Ang problema ay mananatiling isang
problema kung hahanap ka ng solusyon na magdudulot ng iba pang problema. Ang
gulo ‘di ba? Well, iyan ang status ng lipunan natin ngayon.
Napakaraming mga problema na ang naglalabasan ngayon mula sa
iba’t-ibang panig ng ating bansa. Mga problemang nangyari na noon at nangyayari
pa rin sa ngayon at nananatiling walang mga kongkretong solusyon.
Ang mga suliraning ito’y kadalasang nagmumula sa loob ng isang tahanan. Nadisgrasyang indibidwal na umuuwing luhaan, awayan ng mag-asawa, hiwalayan na humahantong sa pagtataguyod ng magulang ng mag-isa o ang pagiging SINGLE PARENT.
Mahirap
maging isang Ama o Ina ngunit mas mahirap ang magtaguyod ng pamilya ng mag-isa
lamang, ito ay ang Single Parenting. Ito ay ang pagkakaroon ng isang pamilya
ngunit pagtataguyod dito ng magulang ng mag-isa lamang.
Ito ang isa sa
pinakamalaking problemang kinahaharap ng Pilipinas. Ito’y marahil dahil na rin
sa iba’t ibang dahilan gaya ng krimen sa Chastity, Pagkamatay ng Asawa,
Separation, Annulment, Abandonment at iba pa.
Ang single
parenting ay isang simbolo at daan na rin sa pagkakaroon ng broken family. Sa
Pilipinas tinatayang may halos 14 na milyon ang single parent. Kung ang isang
pamilya’y hindi buo ito’y nagdudulot ng hindi magandang epekto sa bawat
miyembro nito.
Pagkakaroon ng epekto sa magulang. Dahil sa pagkakataong
ito’y mag-isa na lamang itataguyod ng magulang ang kaniyang pamilya, kailangan
niyang mag multi-tasking para sa ikatataguyod ng kaniyang pamilya. Dahil sa lahat naman ng oras at pagkakataon
gaanuman kahirap ang mga bagay ay kaya itong harapin ng mga magulang para
magkaroon pa sila ng mas masaya at mas maayos na pamilya.
Epekto
sa anak. Dito’y mahihirapang mag-adjust ang mga anak sa pagkakaroon ng ‘di
buong pamilya. Lalo na ‘pag bata pa ang anak dahil ito’y naghahanap pa ng aruga
at pagmamahal mula sa kaniyang ama at ina. Ito ang isa sa mahirap na bagay na
solusyunan ng isang magulang, dahil napakahirap bigyan ang isang anak ng isang
taong tunay na magmamahal at magaaruga dito ng walang kapalit.
Huli ito’y may malaking epekto sa gawi ng pamumuhay ng lahat.
Dahil ang pagkakaroon ng isang pamilya’y parang isang hugis na tatsulok na
kapag nawala ang isang parte o bahagi nito’y maaaring mauga at magbago ang
itsura, kaya’t upang muling mabalanse ay kailangang gumawa ng panibagong hugis
at itsura.
Sa isang pamilya kailangan na ang bawat bagay ay pantay-pantay,
sapagkat pagtutulungan, pagbibigayan at pagmamahalan ang daan upang mas maging matatag
ito.
Ngunit hindi
naman sa lahat ng pagkakataon masama ang naidudulot nito. Mula sa masamang
epekto nito’y maaari tayong makakuha ng magandang epekto at aral mula rito. Ito
rin ang siyang maaaring maging daan sa mas magagandang samahang maaaring mabuo
sa loob ng isang tahanan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon kakulangan ang maaaring magdala
at magdulot ng problema sa buhay ng tao. Hindi sa lahat ito ang nagiging daan
upang masira ang isang bagay.
Dahil maraming mga ibang bahagi pa ang maaaring bumuo rito na
siyang mas magpa unlad dito.
Lahat ng bagay basta magulang ang haharap ay kakayanin niya
iyan. Basta’t may suporta mula sa kaniyang mga anak at lalo na ng pagmamahal. Dahil
sa lahat ng bagay kung sama sama kayong lulutas ng problema ito’y siguradong
mapagtatagumpayan.
ANG PAMILYANG SAMA SAMA SA PAGHARAP SA LABAN AY UMUUWING LAGING WINNER!
Isang mahusay na pahayag! Malaki ang maitutulong nito para sa ikabubuti at karapatan ng lahat!
ReplyDeleteNapakagaling na pahayag madami akong nalaman ngayon tungkol dto. Makakatulong ito sa nakakarami
ReplyDeleteNapakalaki ng tulong ng pahayag na ito para sa nakakarami lalo na ang mga nakakaranas ng gantong sitwasyon sa buhay. Basta't sama-sama kayang kaya, kayang kaya basta't sama sama. :))
ReplyDeleteNapakalakas ng mensahe ng inyong blog post . Napakarami Kong natutunan.tunay talagang mahirap magpalaki ng isang anak lalo na pagikay isang single parent lamang.Pero kailangan natin lumaban para sa kanilang kinabukasan
ReplyDeleteNapakaganda at malinaw na pahayag, dahil nababasa dito na hindi hadlang ang pagiging Single parent para mapalaki mo ng maayos at mabute ang iyong anak. Marami bata kumpleto ang pamilya may ama at ina pero napapariwara ang buhay. Kahit Single parent ka kung sama sama kayo ng mga anak mo and may pananalig kayo sa Diyos magiging masaya parin kayo.
ReplyDeleteNapakagandang talakayin yan,dahil sa panahon ngayon dumarami na ang mga taong nakakaranas ng mga sitwasyong tulad ng problemang single parent at kawalan ng pansin o aruga sa kabataan. maganda at maliwanag ang pahayag dahil tinalakay dito ang mga negatibo at positibong dulot ng single family.
ReplyDeleteNapakagandang mensahe para sa ating lahat :)
ReplyDeleteokay yan! makakatulong sa pagmulat sa taong bayan... aasahan ko ang iyong susunod na blog
ReplyDeleteAng mensahe na ito ay napaka ganda dahil ang mga bata na hindi buo ang pamilya ay hindi na makakaramdam ng lungkot o pang uulila sa kanilang magulang dahil alam nila na ang pagigiging single parent ay hindi madali para sa mga magulang.
ReplyDeleteNaniniwala ako na ang pamilyang sama samang humaharap sa pagsubok at lumalaban ay nagtatagumpay, buo man o kulang. Lalong lalo na ang pamilyang sama samang nagdadasal.
ReplyDeleteMinsan lang ako makabasa ng ganitong topic at nakakatuwa dahil pinapakita dito kung gaano kalaki ang pagmamahal at sakripisyo ng ating mga magulang.
ReplyDeletePara sakin agree ako dito kasi kung walang magulang na mag aalaga at mag aaruga satin maybe wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon , at para sakin " Having a parent is the best thing that i have in this world " ..
ReplyDeleteIsang napakagandang mensahe at aral para sa bawat isang naghahanap ng motibasyon sa buhay. Kung lahat lang sana ng tao ay ganito ang takbo ng pagiisip. Maiiwasan ang di pagkakaunawaan at masayang pakikitungo sa kapwa. Napakahusay na ideya.
ReplyDeleteBeing a single parent is not an easy task to accomplish. It requires so much patience and strong determination to keep going & holding on. Never to give-up on the responsibilities to raise a child na if pwede sanang talikuran ay ginawa na. Actually meron talagang lumaban at nagpakatatag ngunit meron din namang tumalikod. Bakit nga ba may single parent? For me, one of the reasons would be lack of good parental guidance. Lack of good examples na makikita ng mga kabataan. Usually ung single parent may pinagmanahan din, galing din sa single parent or meron din sa kamag-anak. Kumbaga it's a chain reaction na mahirap maputol. Single parent really needs society's support, hindi ung kukutyain sila dahil nagkamali. We have to somehow guide, assist and inspire them to become a good parent despite. By then, hindi magiging hadlang being a single parent to continue doing what is right. Then, someday their children will be proud and could set their single parents as good example to achieve a better future..
ReplyDeleteKudos sa mga magulang na itinataguyod ang pamilya. Sa kabila ng lahat ng hirap, ang magulang ay gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak kahit mag-isa lamang nya itong gawin basta para sa ikabubuti ng anak.
ReplyDeleteKaya ako ay saludo sa lahat ng mga tao na mag-isang tinataguyod ang kanyang pamilya. Karapat-dapat silang respetuhin at bigyan ng halaga.
ReplyDeleteTotoo ngang maraming mga pagsasamang nauuwi sa paghihiwalay ng mga magulang dahil sa mga di maiiwasang problema. Pero di naman ibig sabihin na di na magiging masaya ang isang pamilya. Dapat din ay magtulungan ang bawat myembro ng pamilya upang sila'y manatiling masaya at matatag.
ReplyDeleteWell said, what makes it more remarkable is because hindi lang ito galing sa point of view ng mga magulang, it all came from the minds of their offspring. THUMBS UP! May you keep this habit guys, kahit hindi na part ng project nyo :)
ReplyDeleteTunay ngang isa ito sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa. Salamat sa naka informative na Blog na ito, dahil isa ito sa naging daan upang mas maunawaan pa ng bawat isa ang kahalagahan at magandang dulot nito! Good Job!
ReplyDeleteAng pamilya ayy isa sa pinaka mahalagang parte sa ating buhay... Kaya dapat ay patatagin natin ito
ReplyDeleteTama lang na atin I pag malaki ang atin mga magulang kahit ano hirap na na raramdaman nila . Hindi nila pinapakita satin mga ank na hihirapan sila at buong puso nila inaalay and kanilang buhay upang maitaguyod Tayo kaya mahalin natin sila .☝
ReplyDeletePamilyaa nalang ang tangi nating nasasandalan sa huli
ReplyDeleteMaganda ang nais ipahayag ng blog na ito.Isa itong daan upang maimulat ang mga kabataan kung gaano kahirap maging magulang,kung ano-ano ang kanilang kayang isakripsyo para lamang sa kapakanan ng kanilang anak lalo na at kung single parent pa.Pahalagahan at mahalin natin ang ating pamilya :)
ReplyDeleteNapakalaki ng maibibgay kontribusyon para sa kaalaman ng ating mga kababayan, kaya't napaka ganda ng pahayag na ito sana mabasa pa ng iba nating kababayan.
ReplyDeleteAng pamilya ay isang mahalagang bagay na binigay satin, dapat nating ipagmalaki ang mga sakripisyon nilang ginawa para sa atin. Dapat nating silang respetuhin.
ReplyDeleteNice article... actually laging me masamang konotasyon pag naririnig natin ang Broken Famy.. single parent.. na madalas na nauunang maisip eh pariwarang mga anak sakit sa ulo ng lupunan.. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon eh negatibo ang epekto ng broken family o ang pagigong single parent. Ang ikakapariwara ng bata eh nasa kanyang kapaligiran.. dahil isa sa napakalaking inpluwensya ng kapaligirang ginagalawan ng bata kung anu sya magiging paglaki. Kung ang bata eh lumaki sa isang pamilyang hindi buo ang magulang, subalit napupunan naman ng single parent ang kanyang tungkulin bilang magulang hindi lamang sa pang materyal at pinansyal na aspeto eh siguradong lalaki ang bata ng mabuting tao. Lagi nating isipin na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa pagbibigay ng Oras, importansya at pagpapahalaga sa bata. At kapag namulat ang bata sa kabutihang asal at aral mula sa isang single parent eh siguradong mauunawaan nya ang kalagayan ng kanyang magulang at makakatuwang pa ng mga magulang ang mga batang ito. Ang anumang pinaka mabigat na bagay o sitwasyon eh mapapagaan kung pagtutulungan..
ReplyDeleteBroken family? Walang may gusto nito lalo na mga apektadong mga anak. Minsan maling desisyon ang sanhe at kung anu ano pang factors kung bakit may broken family. Pero broken man o buo ang family hnd dun nasasalamin kung ano klaseng pagkatao meron ang isang tao.kundi sa knyang pananaw, pag uugali o asal at pag iisip meron sya. Nag mula ka man sa broken family nasa iyo kung pano mo iaangat ang sarili mo para mapabuti ka. Pipiliin mo ang tamang landas para hnd madanas ng mga anak mo in the future ang pagkakaroon ng broken family.Nasa iyong mga kamay ang ikakaganda ng iyong kapalaran basta may pagsusumikap, tuwala sa sarili, tyaga at higit sa lahat pananalig sa Maykapal na lumikha ng lahat.
ReplyDeleteKahit broken family importante na my koneksyon parin sa bawat isa lalong lalo na sa ating mga anak para kahit paano alam nilang myron pa clng matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.kahit papaano my magulang clng malapitan.ang importante lng my respeto at pagkakaunawaan.dahil ako lumaki ding isang broken family.
ReplyDeleteCasino Review - DrmCD
ReplyDeleteCasino is a fun, 안산 출장마사지 safe and fun place to play, 제주도 출장마사지 and there are lots of 안산 출장샵 reasons to 대구광역 출장안마 play at the casino. With a generous bonus, you can take a chance and 밀양 출장안마 make